Advertisement

Responsive Advertisement

“HINDI AKO UMIIWAS, BUSY LANG SA MAS MAHALAGANG BAGAY” SEN. RAFFY TULFO IPINALIWANAG KUNG BAKIT TAHIMIK SA FLOOD CONTROL ISSUE

Linggo, Disyembre 14, 2025

 





Matagal nang napapansin ng publiko ang katahimikan ni Senador Raffy Tulfo sa isyu ng flood control scandal, isang isyung matindi ang galit at interes ng sambayanan. Kilala ang senador bilang isa sa pinakamatapang at pinaka-vocal na personalidad sa Senado, lalo na pagdating sa katiwalian at abuso. Kaya naman hindi maiwasang magtaka ang taumbayan kung bakit tila hindi siya nagsasalita o naglalabas ng matapang na komentaryo tungkol sa anomalyang ito.


“Hindi ako tumahimik dahil natatakot ako o umiiwas ako. Busy ako sa mas mahalagang bagay na kailangan kong unahin para sa taumbayan. Hindi lahat ng trabaho kailangang i-broadcast.” -Sen. Raffy Tulfo


Ayon sa kanya, hindi ito dahil wala siyang pakialam o dahil natatakot siya. Sa halip, aniya’y meron siyang mas mabibigat at mas kritikal na isyung inuuna sa ngayon—mga bagay na ayon sa kanya ay direktang nakaaapekto sa mas maraming Pilipino.


Hindi na nagdetalye ang senador kung anong partikular na mga gawain o issue ang kanyang pinagtutuunan ng pansin, ngunit tiniyak niyang hindi siya tumatalikod sa tungkulin. Pinunto rin niya na hindi kailangan ng ingay para masabing tumatrabaho. Minsan, aniya, mas importante ang aksyon kaysa salita.


Habang nagtataka ang marami sa pananatiling low-key ni Sen. Raffy Tulfo sa flood control issue, ipinahayag niyang may mas matimbang siyang responsibilidad na kasalukuyang inaasikaso


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento