Advertisement

Responsive Advertisement

“ANG KAPATAWARAN AY HINDI BASTA-BASTA MAIBIBIGAY SA MGA SAKIM SA KAPANGYARIHAN” FR. FLAVIE VILLANUEVA HINDI MAPAPATAWAD SI VP SARA DUTERTE

Miyerkules, Disyembre 17, 2025

 



Matapang at diretsahang sinabi ni Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva na hindi niya kayang patawarin si Vice President Sara Duterte dahil sa mga aniya’y maling ginawa nito, lalo na ang pagwaldas umano sa confidential funds at paggamit ng kapangyarihan para sa personal na interes.


“Ang kapatawaran ay hindi basta-basta maibibigay sa mga sakim sa kapangyarihan. Ang kapatawaran ay hindi regalo sa patuloy na nananakit ng bayan.” -Fr. Flavie Villanueva


Ayon sa pari, ang kapatawaran ay regalo at hindi niya ito maibibigay sa isang taong hindi kumikilala sa pagkakamali at patuloy umanong nakakasakit sa publiko. Giit ni Fr. Villanueva, ang confidential fund ay pera ng bayan, hindi pera ng sinumang opisyal. Kaya hindi niya matanggap na ginasto umano ito nang walang tamang paliwanag, malinaw na dokumento, o pananagutan.


Dagdag pa ni Fr. Villanueva, hindi lamang pera ang inabuso kundi mga tao, na ayon sa kanya ay ginamit para maprotektahan ang imahe at interes ng pansariling kapangyarihan. Sa pananaw ng pari, ang ganitong uri ng pamumuno ay salungat sa tunay na serbisyo publiko at hindi dapat palampasin.


Sa matapang na pahayag ni Fr. Villanueva, malinaw na hindi lamang isyu ng pulitika ang kanyang tinutuligsa kundi isyu ng moralidad, pananagutan, at respeto sa taong bayan. Para sa kanya, ang kapatawaran ay may kundisyon, at ang unang hakbang ay dapat manggaling sa taong nagkamali.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento