Advertisement

Responsive Advertisement

"KAYO ANG LAKAS KO, HINDI KO ITO KAYA MAG-ISA" FR. VILLANUEVA NANAWAGAN NG SUPORTA SA PUBLIKO PARA SA PAGBIBITIW NI VP SARA

Miyerkules, Disyembre 17, 2025

 



Muling umapela si Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva sa publiko upang makiisa sa kanyang adbokasiya na pabigatin ang panawagan na magbitiw sa puwesto si Vice President Sara Duterte. Sa gitna ng patuloy na kontrobersiya at pag-usbong ng mga alegasyon laban sa Bise Presidente, naniniwala si Fr. Villanueva na mas kailangan ngayon ang malinaw at malakas na boses ng taumbayan.


“Hinihiling ko ang inyong suporta para ipagpatuloy ang adbokasiyang magbitiw si VP Sara Duterte. Hindi ito laban ng isang pari, ito ay laban para sa katotohanan, integridad, at bayan. Kayo ang lakas ko.” -Fr. Flavie Villanueva


Ayon sa pari, hindi personal na laban ang kanyang ginagawa, kundi paninindigan para sa katotohanan, integridad, at pananagutan sa pamahalaan. Para kay Fr. Villanueva, ang mga ganitong gawain ay hindi dapat manatili sa posisyong mataas ang responsibilidad sa buong bansa.


Pinuri rin niya ang mga taong tumindig sa kanya kahit hindi sila magka-estado, magkarelihiyon, o magkakilala. Ayon sa kanya, ang kanilang pagdarasal, suporta, at pakikiisa ay nagiging sandata niya para ipagpatuloy ang laban na ito kahit dumarami ang bumabatikos at nagbabanta sa kanya.


Sa patuloy na pag-init ng isyu sa pamunuan, si Fr. Flavie Villanueva ay nananatiling isa sa pinakamatapang at pinakamalakas ang panawagan para sa accountability. Ang kanyang panawagan sa publiko ay malinaw na hindi siya nag-iisa, at hindi dapat mag-isa ang bayan sa pakikipaglaban para sa katotohanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento