Matapos ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maaaring bumawi at makarekober ang ekonomiya sa ikaapat na quarter ng taon, tahasan itong sinupalpal ni Vice President Sara Duterte na nagsabing malayong mangyari ito base sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
“Nananaginip yan ng gising. Wala ‘yan sa tamang pag-iisip kung sinasabi niyang makaka-recover tayo ngayong quarter, samantalang halos lahat ng sektor naghihirap." -VP Sara Duterte
Sa isang matapang na pahayag, sinabi ni VP Sara na hindi dapat binobola ang publiko sa pamamagitan ng mga pangakong walang basehan. Aniya, ang katotohanan ay nasa mga palengke, sa gasolina, at sa bulsa ng mga Pilipino hindi sa mga press release ng Malacañang.
Ayon sa datos ng ilang economic analysts, bumagal ang GDP growth rate, tumaas ang presyo ng bilihin, at patuloy na lumulobo ang utang ng bansa. Para kay VP Duterte, hindi dapat i-spin ang mga numerong ito para palabasing maayos ang ekonomiya, kundi dapat harapin ang tunay na kalagayan ng mamamayan.
Ang pahayag ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Marcos Jr. ay nagbukas ng panibagong tensyon sa pagitan ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa. Habang nananatiling positibo ang Pangulo sa muling pagbangon ng ekonomiya, piniling maging direkta at kritikal ni Duterte, na nananawagang harapin ang katotohanan imbes na magpanggap na maayos ang lahat.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento