Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG MAY GHOST PROJECT, SINO BA ANG GUMAWA? HINDI NAMAN KAMI SA SENADO" SEN. JINGGOY DINIDIIN ANG DPWH ENGINEERS SA LIKOD NG MGA GHOST PROJECTS

Huwebes, Nobyembre 20, 2025

 



Matapang na nagsalita si Senator Jinggoy Estrada hinggil sa ghost flood control projects na patuloy na lumilitaw sa gitna ng malawakang imbestigasyon sa korapsyon sa gobyerno. Ayon sa senador, hindi dapat mga mambabatas ang laging itinuturong may sala, kundi mga opisyal at engineers sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na direktang nagpapatupad ng mga proyekto.


“Sino ba talaga ang mastermind ng ghost projects? Hindi naman mga senador o congressman ‘yan  mga engineers sa DPWH! Sila ang nagpapatakbo, sila ang nag-a-approve, at sila ang dapat managot.” - Sen. Jinggoy Estrada


Ayon kay Estrada, maiwasan sana ang mga “ghost” flood control projects kung dumaan sa Regional Development Councils (RDCs) ang lahat ng proyekto bago aprubahan. Ang RDCs, aniya, ang tamang mekanismo para masiguro na may pangangailangan at aktwal na lokasyon ang bawat proyekto.


Kaugnay ng mga alegasyon ng budget insertions at kickbacks sa mga flood control projects, itinanggi ni Estrada na mayroon siyang kinalaman sa anumang anomalya.


Sa kabila ng mga patung-patong na alegasyon ng korapsyon, nanindigan si Senator Jinggoy Estrada na hindi dapat laging mga pulitiko ang isinisisi sa mga anomalya sa proyekto ng pamahalaan. Para sa kanya, ang ugat ng problema ay nasa mismong implementasyon ng mga proyekto kung saan umano nangyayari ang katiwalian, peke ang dokumento, at nagkakaroon ng “ghost” infrastructure.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento