Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG MASAMA ANG TATAY NIYAN, HE IS THE WORST" DATING GOBERNADOR CHAVIT SINGSON BINATIKOS SI PANGULONG MARCOS SA MGA KORAPSYON SA ILALIM NG KANYANG ADMINISTRATION

Huwebes, Nobyembre 20, 2025

 



Matapang na pinuna ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos niyang ihayag na mas masahol pa umano ang kasalukuyang lider kumpara sa kanyang yumaong ama, si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.


“Kung masama ang tatay niyan, he is the worst,” - Chavit Singson


Ayon kay Singson, ang kasalukuyang administrasyon ay sangkot sa tinawag niyang ‘biggest scam’ sa kasaysayan ng pamahalaan ang ghost projects na umano’y ginagawang daan para makapagnakaw ng bilyon-bilyong piso mula sa pondo ng bayan.


Ibinunyag ni Singson na base sa mga nakarating sa kanyang impormasyon, malawak ang anomalya sa flood control projects, kung saan maraming proyekto ang pinopondohan ngunit hindi kailanman naipatayo. Ayon sa kanya, tila ginagawang “cash cow” ng ilang opisyal ang mga proyektong ito sa ngalan ng imprastruktura.


Ayon sa dating gobernador, sadyang inililihis ng Malacañang ang atensyon ng publiko sa mga isyung ito sa pamamagitan ng mga press release at kontrobersiyang pampulitika. Aniya, imbes na tumugon sa mga akusasyon, mas pinipili raw ng gobyerno ang manira ng mga kritiko.


Ang matapang na pahayag ni Chavit Singson ay muling nagpasiklab ng diskusyon sa estado ng korapsyon at transparency sa gobyerno. Habang nananatiling tahimik ang Palasyo sa isyung ito, iginiit ng dating gobernador na hindi na dapat palampasin ang paulit-ulit na pandaraya sa kaban ng bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento