Muling pinag-usapan online ang matapang na pahayag ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong balikan ng mga Die-Hard Duterte Supporters (DDS) sa gitna ng mga kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa mga tagasuporta ng dating pangulo, “mukhang totoo” ang mga binanggit noon ni Duterte na umano’y may matagal nang bisyo si Marcos Jr., at ito raw ay nakuha sa kanyang asawa, si First Lady Liza Araneta-Marcos, at sa pinsan nitong si House Speaker Martin Romualdez.
“That’s why sinasabi ko sa inyo ngayon, si Bongbong Marcos bangag na noon. Ngayong naging presidente na, bangag na ang president ng Pilipinas.” - Dating Pangulong Rodrigo Duterte
Ayon sa mga supporters ni Duterte, “prophetic” umano ang dating pangulo dahil paulit-ulit na niyang binabalaan ang publiko laban sa pamilya Marcos. Noong nakaraang taon, sa gitna ng lumalalang alitan sa pagitan ng mga Duterte at Marcos camp, naglabas ng serye ng mabibigat na pahayag si Duterte laban kay Marcos Jr.
Bukod sa isyu ng droga, binatikos din niya ang estilo ng pamumuno ng pangulo, na aniya’y “mahina, arogante, at walang direksyon.”
Ang muling pag-ungkat ng mga DDS sa dating pahayag ni Rodrigo Duterte ay lalong nagpapalala sa tensyon sa pagitan ng dalawang makapangyarihang pamilya, ang Marcos at ang Duterte.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento