Advertisement

Responsive Advertisement

“NASAAN NA ANG 30 TONS NA GOLD RESERVE NG PILIPINAS?” ATTY. VIC RODRIGUEZ BINULABOG ANG PUBLIKO SA ISYU NG MALACANANG IBINENTA ANG MGA GOLD RESERVES WORTH ₱232.5 BILYON

Huwebes, Nobyembre 20, 2025

 



Muling nagpasabog ng kontrobersiya si Atty. Vic Rodriguez, dating Executive Secretary ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos niyang tanungin ang Malacañang kung saan napunta ang 30 tons ng gold reserves ng bansa na dating nakalagak sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).


Sa kanyang pahayag, sinabi ni Rodriguez na may natanggap siyang impormasyon mula sa mga dating kasamahan sa gobyerno na ibinenta umano ng kasalukuyang administrasyon ang nasabing gold reserves, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱232.5 bilyon.


“Kung totoo ang impormasyong ito, dapat ipaliwanag ng Malacañang kung saan napunta ang pera. Hindi puwedeng manahimik kapag pera ng sambayanan ang pinag-uusapan. -Atty. Vic Rodriguez


Ang gold reserves ng BSP ay itinuturing na “backbone” ng pambansang ekonomiya, dahil ito ang nagsisilbing garantiya sa halaga ng piso at pambansang kredibilidad sa internasyonal na merkado. Ayon kay Rodriguez, nakababahala kung totoo ngang naibenta ito nang walang public disclosure o congressional approval.


Nanawagan si Rodriguez sa Senado at House of Representatives na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa ilalim ng Blue Ribbon Committee upang malaman kung sino ang nag-utos ng pagbebenta at saan napunta ang kita mula rito.


Ang isyung ibinulgar ni Atty. Vic Rodriguez ay nagdulot ng panibagong political tension at public outrage, lalo na’t ito ay may kinalaman sa yaman ng sambayanang Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento