Advertisement

Responsive Advertisement

"MY REACTION IS UTTER DISBELIEF, THE BASIS OF SEN. LACSON'S SPEECH AS TO ME WAS PURE HEARSAY" LUCAS BERSAMIN SINAGOT SI SEN. LACSON SA ISYU NG ₱100-B BUDGET INSERTION

Huwebes, Nobyembre 20, 2025

 



Mariing itinanggi ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin ang alegasyon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na ginamit umano niya ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para mapaniwala si dating Congressman Zaldy Co na utos ng Pangulo ang ₱100-bilyong budget insertion sa 2025 national budget.


Ayon kay Bersamin, walang katotohanan at walang dapat i-deny dahil puro sabi-sabi lamang ang basehan ng senador.


“My reaction is utter disbelief. The basis of Sen. Lacson's speech as to me was pure hearsay three times over. I should not even dignify that with a denial because there is nothing to deny,” - Lucas Bersamin


Sa kanyang privilege speech, binanggit ni Sen. Lacson na si Undersecretary Adrian Bersamin, kamag-anak ni Lucas Bersamin, ang nag-name drop umano kay Pangulong Marcos upang kumbinsihin si Zaldy Co na ipasok ang malaking halaga sa bicameral conference committee. Dagdag pa niya, natural lang na paniwalaan ni Co ang utos dahil si Bersamin mismo ang nagbitbit ng pangalan ng Pangulo.


Tinawag naman ni Bersamin na “absurd and irresponsible” ang mga pahayag laban sa kanya. Ayon sa kanya, kung mayroon man siyang papel sa mga proyekto ng pamahalaan, ito ay pormal at dokumentado, hindi usapang lihim o "name-dropping."


Sa gitna ng ₱100-bilyong budget insertion scandal, nananatiling mainit ang palitan ng pahayag nina Sen. Panfilo Lacson at Lucas Bersamin. Habang naninindigan si Lacson na ginamit ang pangalan ng Pangulo, mariin namang itinanggi ni Bersamin na siya’y sangkot.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento