Ibinunyag ng beteranong mamamahayag at kolumnistang si Ramon Tulfo na batay sa kanyang nakuhang impormasyon mula sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi kailanman tatanggapin ng militar ang anumang hakbang o panawagang palitan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng kasalukuyang Pangalawang Pangulo Sara Duterte.
Ayon kay Tulfo, malinaw umano ang paninindigan ng AFP mananatili silang loyal sa kasalukuyang Commander-in-Chief, at hindi sila papasok sa anumang “political destabilization” na maaaring magdulot ng kaguluhan sa bansa.
“No matter how thick the crowds at rallies or how loud the calls for change, the AFP will never support removing PBBM and replacing him with VP Sara.” - Ramon Tulfo
Ayon pa kay Tulfo, may mga opisyal sa loob ng AFP na nagsasabing “unfit” o hindi angkop si VP Sara para mamuno sa bansa. Ang ilan umano sa mga dahilan ay ang kawalan ng direksyon sa pamumuno, kakulangan ng karanasan sa pambansang pamahalaan, at ang umano’y mga pagkilos na nagpapakita ng kawalan ng disiplina at emotional control.
Sa gitna ng mga usapin ng politika at tensyon sa pagitan ng kampo Marcos at Duterte, binigyang-diin ni Ramon Tulfo na hindi kailanman susuportahan ng AFP ang anumang pagtatangka na palitan si Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento