Advertisement

Responsive Advertisement

"SORRY PERO HINDI DAPAT NATIN PABAYAAN NALANG, ANG TAXPAYERS ANG SUMASAHOD SA INYO" ABS-CBN REPORTER KATHRINA DOMINGO SINUPALPAL SI ATTY. CLAIRE CASTRO SA MALACAÑANG

Huwebes, Nobyembre 20, 2025

 




Nagkaroon ng tensyon sa gitna ng press briefing sa Malacañang matapos tanungin ni ABS-CBN reporter Kathrina Domingo si Atty. Claire Castro, tagapagsalita ng Presidential Communications Office (PCO), tungkol sa totoong dahilan ng biglaang pag-alis ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin.


Sa tanong ni Domingo, diretsahan niyang hiniling na ilahad ng Palasyo kung sino ang nag-utos ng pagtanggal kay Bersamin at ano ang tunay na dahilan sa likod nito. Ngunit imbes na diretsong sagot, nagbigay ng tila sarkastikong tugon si Atty. Castro na aniya, “Sila ay nagkausap naman at hayaan na lamang ang administrasyon na gawin ang nararapat.”


Hindi napigilan ni Domingo na magbigay ng matapang na tugon sa sagot ni Atty. Castro. Ayon sa kanya, ang taumbayan ang may karapatan sa transparency at accountability, lalo na’t pera ng mamamayan ang ginagamit ng gobyerno.


“Ma’am, sorry pero hindi dapat natin pabayaan dahil ang taxpayers who are funding the government and paying your salaries are asking for the truth,” -Kathrina Domingo


Bumilib ang ilang mamamahayag sa tapang ni Domingo dahil hindi ito umatras sa gitna ng tensyon. Marami rin sa social media ang pumuri sa kanya, sinasabing “tunay siyang tinig ng mamamayan.” Matapos ang sagutan, nagpahayag muli si Atty. Claire Castro sa media at ipinunto na hindi lahat ng isyu ay kailangang ilantad agad sa publiko.


Ang naging sagutan nina Atty. Claire Castro at Kathrina Domingo ay simbolo ng patuloy na laban para sa katotohanan at transparency sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Habang pinipilit ng Palasyo na limitahan ang impormasyon, naninindigan naman ang mga mamamahayag na ang katotohanan ay hindi dapat tinatago sa mga nagbabayad ng buwis.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento