Advertisement

Responsive Advertisement

"MANATILI KANG PATAS PARA KANANG ABOGADO NG PANGULO" DATING PRESIDENTIAL ADVISER JING PARAS PINUNA SI SEN. PING LACSON SA PAGPANIG KAY PBBM BAGO ANG IMBESTIGASYON

Huwebes, Nobyembre 20, 2025

 



Tinuligsa ni dating kongresista at Presidential Adviser on Political Affairs Jacinto “Jing” Paras si Senate Blue Ribbon Committee Chair Sen. Panfilo “Ping” Lacson dahil sa aniya’y tila pagpanig nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Ayon kay Paras, halatang nagkikilos-abogado na si Lacson para sa Pangulo matapos nitong maglabas ng mga pahayag na tila pinagtatanggol ang administrasyon, kahit hindi pa opisyal na nasisimulan ang imbestigasyon sa alegasyon ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co tungkol sa ₱100 bilyong budget insertion.


“Hindi pa nagsisimula ang pormal na pagdinig pero may pahayag na agad si Sen. Lacson na parang abogado ni Marcos. Hindi ito tama lalo na kung ikaw ang mamumuno sa imbestigasyon.” - Jacinto “Jing” Paras


Binatikos ni Paras ang Blue Ribbon Committee sa Senado, na aniya ay dapat manatiling neutral at objective sa lahat ng kaso, lalo na kung may kaugnayan sa Pangulo o sa mga opisyal ng gobyerno. Ayon sa kanya, ang anumang pahayag bago ang pormal na imbestigasyon ay nakasisira sa kredibilidad ng komite.


Habang patuloy ang usapin sa ₱100-bilyong budget insertion scandal, tumitindi rin ang sigalot sa pagitan ng mga opisyal sa gobyerno. Para kay Jacinto “Jing” Paras, kailangang maging modelo ng integridad at patas na pagdinig ang Senado, hindi tagapagtanggol ng sinumang nasa kapangyarihan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento