Advertisement

Responsive Advertisement

“EKONOMIYA NATIN MANANATILING MATATAG HANGGA’T SI PANGULONG MARCOS ANG NAMUMUNO” MALACAÑANG MATATAG PA RIN ANG EKONOMIYA SA KABILA NG MGA ISYU

Huwebes, Nobyembre 20, 2025

 



Tiniyak ng Malacañang na mananatiling matatag at positibo ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa hangga’t si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang namumuno. Ayon ng Malacañang, patuloy ang pag-angat ng mga pangunahing sektor ng ekonomiya tulad ng agrikultura, imprastruktura, at foreign investments, dahil sa mga repormang ipinapatupad ng kasalukuyang administrasyon.


“Nananatiling matatag ang ekonomiya ng Pilipinas na may solidong pundasyon. Bukas ito sa mga oportunidad para sa mga mamumuhunan, lalo na sa ilalim ng administrasyong tapat sa paglilingkod at laban sa korapsyon.” - Atty. Claire Castro


Ayon sa Palasyo, ang Build Better More program, agricultural recovery plan, at foreign trade agreements na ipinatupad ni Marcos ay nagbigay ng bagong sigla sa ekonomiya. Dagdag pa ni Castro, nakikita na ngayon ng mga dayuhang mamumuhunan ang transparency at predictability ng mga polisiya ng gobyerno dalawang bagay na aniya’y matagal nang hinahanap sa Pilipinas.


Sa kabila ng mga kontrobersiyang bumabalot sa politika, tiniyak ng Malacañang na nananatiling matatag ang ekonomiya ng Pilipinas. Ayon kay Atty. Claire Castro, malinaw ang direksyon ng administrasyon isang gobyernong tapat, responsable, at nakatuon sa progreso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento