Advertisement

Responsive Advertisement

"LIKE A GOOD SOLDIER, I AM JUST FOLLOWING ORDERS” PHILHEALTH PRESIDENT EMMANUEL LEDESMA INAMIN NA UTOS NI PBBM ANG PAGLIPAT NG ₱89.9 BILLION RESERVE FUNDS

Huwebes, Nobyembre 20, 2025

 



Umigting ang tensyon sa gitna ng isinasagawang Senate hearing matapos umamin si PhilHealth President Emmanuel Ledesma na ang paglipat ng ₱89.9 bilyong reserve funds ng ahensya patungo sa unprogrammed appropriations ay alinsunod umano sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Sa harap ng mga mambabatas, sinabi ni Ledesma na wala siyang ginawang desisyon nang walang pahintulot ng Palasyo, at sinunod lamang niya ang utos bilang bahagi ng kanyang tungkulin bilang lingkod ng gobyerno.


“Again, I want to reiterate to everyone here in this room that I received a directive by President Marcos. Like a good soldier, I am following orders.” - Emmanuel Ledesma, PhilHealth President

Ang unprogrammed appropriations ay isang special budget item na hindi bahagi ng regular o approved government programs, at madalas ginagamit kapag may “excess revenue” o special request mula sa Palasyo. Gayunpaman, ayon sa mga kritiko, ito rin ang madalas gamiting ruta ng mga tiwaling opisyal upang mailihis ang pondo at mahira­pang masundan sa audit o imbestigasyon.


Ayon sa ilang senador, nakababahala ang ginawang paglipat dahil ang ₱89.9 bilyong reserba ng PhilHealth ay nakalaan dapat sa benepisyo at proteksyon ng mga miyembro, hindi sa mga proyektong wala sa plano ng ahensya. 


Maraming health advocates, kabilang si Dr. Tony Leachon, ang nanawagan ng agarang full audit sa PhilHealth, dahil ang pondo ay kinakatawan ng kontribusyon ng milyon-milyong manggagawang Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento