Advertisement

Responsive Advertisement

“NILOLOKO TAYO YUNG KINAKALTAS BUWAN-BUWAN, UNTI-UNTI NILANG KINUKURAKOT" DR. TONY LEACHON NAGLABAS NG SAMA NG LOOB, BUDGET NG PHILHEALTH NINANAKAW NG GOBYERNO

Huwebes, Nobyembre 20, 2025

 



Matapang na nagsalita ang kilalang cardiologist at public health advocate na si Dr. Anthony “Tony” Leachon matapos mabalitaan na zero ang budget ng PhilHealth para sa taong 2025. Ayon sa kanya, ito ay isang malinaw na indikasyon ng kawalan ng malasakit ng pamahalaan sa kalusugan ng mga Pilipino, lalo na’t patuloy ang buwan-buwang kaltas sa sahod ng mga manggagawa.


“Niloloko tayo. Yung kinakaltas buwan-buwan, unti-unti nilang kinukurakot. Sinasabi nilang may PhilHealth tayo, pero nasaan? Buwan-buwan may kaltas, pero pag nagkasakit ka, halos wala kang makuha. Sarili nating gobyerno, ninanakawan tayo.” - Dr. Tony Leachon


Ayon kay Dr. Leachon, hindi alam ng karamihan sa mga Pilipino na unti-unti nang nauubos ang pondo ng PhilHealth dahil sa maling pamamahala at korapsyon. Bagama’t patuloy ang pagkaltas ng kontribusyon mula sa suweldo ng mga empleyado, wala nang maayos na alokasyon para sa benepisyo ng mga miyembro.


Binigyang-diin pa ni Dr. Leachon na ang kalusugan ay dapat pangunahing prayoridad ng gobyerno, hindi ang huling binibigyan ng budget. Aniya, ang zero allocation para sa PhilHealth ay simbolo ng maling direksyon ng administrasyon sa public health.


Nanawagan din si Dr. Leachon ng malawakang audit sa pondo ng PhilHealth, partikular sa paggamit ng mga kontribusyon ng mga miyembro sa nakalipas na tatlong taon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento