Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG SINO MANG MAGTATANGKANG MANGGULO, WE WILL ARREST YOU" DILG SECRETARY REMULLA NAG BIGAY BABALA SA 3 DAYS RALLY NG INC

Biyernes, Nobyembre 14, 2025

 



Nagbigay ng matinding babala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla laban sa mga indibidwal o grupo na posibleng magsamantala o magsimula ng kaguluhan sa nalalapit na tatlong araw na rally ng Iglesia ni Cristo (INC) na layong itaguyod ang transparency at accountability ng gobyerno.


Ayon kay Remulla, may karapatan ang bawat Pilipino na magpahayag ng damdamin, ngunit kung ito’y gagamitin para sa kaguluhan o pagpapabagsak ng gobyerno, ay hindi na ito bahagi ng malayang pamamahayag.


“We will arrest you. Hindi ito panahon para manira ng kapwa o maghasik ng kaguluhan. Kung may balak kayong manamantala o manggulo sa rally, humanda kayong harapin ang batas,” - Secretary Jonvic Remulla


Ang tatlong araw na rally na inorganisa ng Iglesia ni Cristo ay naglalayong isulong ang pananagutan at katapatan sa pamahalaan sa gitna ng mga isyung bumabalot sa flood control corruption at iba pang anomalya. Ayon sa mga organizer, hindi ito isang political protest, kundi isang panawagan para sa reporma at maayos na pamamahala.


Tiniyak ng kalihim na magiging mahigpit ang seguridad sa buong paligid kung saan gaganapin ang INC rally. Makikipag-ugnayan ang DILG sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang masigurong mapayapa at organisado ang pagtitipon.


Ang babala ni Interior Secretary Jonvic Remulla ay malinaw na paalala na bagama’t malaya ang bawat Pilipino na magpahayag ng opinyon, ito ay dapat isagawa sa mapayapang paraan at hindi maging kasangkapan ng mga may layuning manira o manggulo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento