Kamakailan ay nagpahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tungkol sa dahilan ng pagbagal ng ekonomiya ng bansa, at ayon sa kanya, hindi lamang isyu ng korapsyon ang dapat sisihin, kundi pati na rin ang malalakas na bagyong tumama sa Pilipinas nitong mga nagdaang buwan.
Sa kanyang pahayag, ipinaliwanag ng Pangulo na malaki ang epekto ng mga bagyo sa kabuhayan ng mga Pilipino, lalo na sa mga rehiyong agrikultural at coastal areas, kung saan maraming araw ng trabaho ang naapektuhan dahil sa mga pinsalang dulot ng kalamidad.
“You have to remember, this is not only because of corruption why the economy is down. Bumaba ang productivity, humihinto ang operasyon ng gobyerno, Epekto rin ‘yun sa ekonomiya ng bansa” - Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa ulat ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry, mahigit ₱15 bilyon ang tinatayang nawalang kita mula sa mga sektor ng agrikultura, transportasyon, at enerhiya dahil sa sunod-sunod na bagyo mula Agosto hanggang Oktubre 2025.
Maraming palayan, palaisdaan, at imprastraktura ang nasira, habang ilang negosyo ang napilitang magsara pansamantala. Dahil dito, bumagal ang supply chain, tumaas ang presyo ng mga bilihin, at bumaba ang productivity ng bansa.
Sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na ginagawa ng gobyerno ang mga hakbang para maibalik ang sigla ng ekonomiya, kabilang ang pagtutok sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta at pagpapaigting ng disaster preparedness programs.
Ayon sa Pangulo, bagaman aminado siyang malaking problema ang katiwalian, hindi dapat kalimutan na ang mga natural na sakuna ay nakakaapekto rin sa GDP growth. Ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagbibigay-diin sa mas malalim na pananaw sa mga dahilan ng pagbagal ng ekonomiya ng bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento