Nagbigay ng malinaw na paalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng giyera sa Middle East. Sa gitna ng lumalalang tensyon at panganib sa ilang lugar, iginiit ng Pangulo na unahin ang kaligtasan higit sa lahat.
Ayon sa kanya, mahalagang maghanap agad ng ligtas na lugar at manatili roon hangga’t hindi pa ligtas ang sitwasyon. “Maghanap kayo ng ligtas na lugar at doon muna kayo,” ang direktang payo ng Pangulo sa mga kababayan na nasa mga lugar na may banta ng karahasan.
Binigyang-diin ng Pangulo na ang agarang pag-iingat at pag-iwas sa peligro ang pinakamahalagang hakbang sa ganitong sitwasyon. Hindi aniya dapat mag-atubiling lumikas o sumunod sa mga abiso ng lokal na awtoridad at embahada ng Pilipinas.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento