Ngayong araw, ipinagdiriwang ni dating House Speaker Martin Romualdez ang kanyang ika-62 kaarawan, ngunit imbes na pagbati at kasiyahan, puno ng batikos at negatibong komento ang kanyang natanggap mula sa mga netizens.
Ayon sa mga ulat, ipinanganak si Romualdez sa Leyte, kung saan din siya nagsimula sa politika bilang kinatawan ng unang distrito bago naging Speaker ng Kamara de Representantes.
Ngunit ngayong taon, ang kanyang kaarawan ay tila sinabayan ng galit at pagkadismaya ng taumbayan, dahil sa pagkakasangkot umano niya sa flood control corruption scandal na patuloy na iniimbestigahan ng Senado.
“Happy Birthday, sana huli na ‘yan!” ito ang isa sa mga madalas na komento ng netizens sa social media, na malinaw na nagpapahayag ng galit sa dating opisyal.
Habang masayang nagdiriwang si Martin Romualdez kasama ang pamilya at mga malalapit na kaibigan, hindi naman nagpapahinga ang mga batikos online.
Maraming netizens ang nagsabing hindi dapat magdiwang ang dating Speaker dahil sa mga isyung kinahaharap niya ngayon.
Matatandaang iniuugnay si Romualdez sa umano’y “P100 bilyong insertion scandal” na isiniwalat ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Ayon kay Co, kasama si Romualdez at si Pangulong Bongbong Marcos sa nag-utos ng umano’y iligal na paglalagay ng bilyon-bilyong pondo sa flood control projects sa ilalim ng 2024 budget.
Ang ika-62 kaarawan ni Martin Romualdez ay hindi naging tahimik o masaya gaya ng dati. Sa halip, ito ay naging simbolo ng galit at pagkadismaya ng mga Pilipinong naghahanap ng pananagutan sa mga isyung bumabalot sa gobyerno.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento