Isang malungkot na insidente ang naganap kamakailan kung saan isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi matapos umanong kumain ng mga pagkaing inialay sa mga kaluluwa sa sementeryo. Hindi pinangalanan ang binatilyo sa kanyang privacy.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, napag-alaman na natripan umano ng binatilyo na mag-“mukbang” o magpakabusog sa mga pagkaing inialay ng ibang tao sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bilang bahagi ng tradisyong Undas.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ilang minuto lamang matapos niyang kainin ang mga pagkain, bigla raw itong nangisay at bumula ang bibig, ayon sa mga nakasaksi.
Agad siyang isinugod sa ospital ng kanyang mga kasama, ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.
Sa initial na imbestigasyon ng mga pulis, lumalabas na nahaluan ng lason ng daga (rat poison) ang isa sa mga pagkaing kinain ng biktima. Hindi pa malinaw kung sinadyang lasunin o kung aksidenteng napunta ito sa alay.
“Ang pagkain na iniaalay ay hindi dapat basta kinakain, lalo na kung galing na ito sa sementeryo. Hindi lang ito usapin ng tradisyon, kundi ng kaligtasan. Sana’y magsilbi itong babala na hindi lahat ng nakikita nating pagkain ay ligtas.” - Magulang ng binata
Ayon sa mga opisyal ng barangay, ito ang unang beses na nangyari ang ganitong insidente sa kanilang lugar, kaya nananawagan sila sa publiko na mag-ingat at huwag basta-basta kumain ng mga pagkaing iniaalay sa sementeryo, kahit pa mukhang bago o malinis ito.
Marami ring netizens ang nagpahayag ng pakikiramay at nagpapaalala na ang mga pagkaing inialay ay hindi dapat kinain muli ng tao, dahil ito ay alay sa mga yumao at maaaring kontaminado o napabayaan na.
Ang pangyayaring ito ay nagsilbing mabigat na aral lalo na sa mga kabataan na madalas nagbibiro o nagte-trend challenge sa mga sementeryo tuwing Undas.
Ang trahedyang ito ay isang malungkot na paalala sa lahat na ang mga alay para sa mga yumao ay dapat igalang at iwasang pakialaman. Sa panahon ng Undas, mahalagang manatiling maingat at responsable, hindi lamang para sa ating kaligtasan, kundi bilang respeto sa mga pumanaw.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento