Nanatiling kalmado si dating Senate President Tito Sotto matapos ang kontrobersyal na pahayag ni Anjo Yllana tungkol umano sa pagkakaroon niya ng “ibang babae.” Sa halip na sumagot ng diretso sa akusasyon, pinili ni Sotto na manatiling propesyonal at huwag patulan ang isyu na aniya’y walang saysay.
Sa isang panayam, mariing sinabi ni Sotto na hindi niya kailangang ipagtanggol ang sarili sa mga paratang na malinaw umanong gawa-gawa lamang para makakuha ng pansin. “Hindi ko na papatulan. Huwag niyong pansinin at nagpapapansin ‘yan. Pati ba naman showbiz at paninira papatulan natin. Itaas natin ang level ng Senate press,” pahayag ni Sotto.
Ayon pa sa ilang malalapit sa senador, kilala si Sotto sa pagiging tahimik pagdating sa personal na isyu, lalo na kung ito ay walang kinalaman sa kanyang trabaho bilang lingkod-bayan. Pinuri naman ng ilang netizen ang kanyang pagiging kalmado at matatag sa kabila ng mga isyung ibinabato laban sa kanya.
“Mas pipiliin kong manahimik kaysa makipagsabayan sa paninira. Ang respeto, hindi mo kailangang ipilit. Nakikita ‘yan sa paraan ng iyong pagkilos,” aniya sa isang panayam.
Ang naging tugon ni Sen. Tito Sotto ay patunay na hindi kailangang laging sumagot sa bawat batikos o tsismis. Sa halip, ang dignidad at katahimikan ay maaaring maging pinakamabisang sagot. Sa panahon ngayon na mabilis kumalat ang impormasyon at intriga, ipinakita ni Sotto na ang tunay na lider ay marunong pumili ng laban at kung minsan, ang hindi pagsagot ay siya mismong tagumpay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento