Sa gitna ng mga panawagang bumaba sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa mga alegasyon ng korapsyon, nagpahayag ng matibay na suporta ang dating Executive Secretary Lucas Bersamin sa kasalukuyang pangulo. Ayon kay Bersamin, mas makabubuting manatili sa liderato si Marcos sapagkat taglay umano nito ang mga katangian ng isang epektibong pinuno.
“Hindi ko minamaliit si VP Sara, pero sa ngayon mas safe ang Pilipinas kay Pangulong Marcos.” -Lucas Bersamin
Ibinahagi rin ni Bersamin ang kanyang obserbasyon noong panahon ng kampanya, kung saan nakita niyang si Marcos ang may pinakamalawak na karanasan at kakayahan sa pamumuno. Aniya, ito ay napatunayan niya mismo nang maging bahagi siya ng gabinete.
Nilinaw naman ni Bersamin na hindi niya intensyong siraan si Vice President Sara Duterte, ngunit aniya, sa kasalukuyang panahon ng kaguluhan at krisis, mas mainam na manatili sa liderato si Marcos upang mapanatili ang katatagan ng bansa.
Dagdag pa niya, ang pagpapalit ng lider sa gitna ng mga isyu ay maaaring magdulot ng mas malaking kaguluhan sa ekonomiya at pamahalaan. Sa kabila ng mga kontrobersiya at panawagang bumaba si Pangulong Marcos, nanindigan si Lucas Bersamin na ang bansa ay higit na makikinabang kung ipagpapatuloy ni Marcos ang kanyang pamumuno.
Para sa kanya, ang konsistensiya, disiplina, at karanasan ng Pangulo ang magdadala sa bansa sa mas matatag na direksyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento