Nag-utos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang surveillance laban sa Nipah virus at iba pang nakahahawang sakit upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko. Ayon sa Palasyo, layunin ng hakbang na maharang ang pagpasok ng virus at maiwasan ang posibleng local transmission sa bansa.
“24/7 tayong magbabantay, Hindi na natin hahayaan makapasok sa bansa natin. Mas okay na ang OA sa pagbabantay kaysa huli na ang lahat. Kapag virus ang kalaban, hindi puwedeng bahala na.” -Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang direktibang ito ay inanunsyo ng Claire Castro, Palace Press Officer at Undersecretary ng Presidential Communications Office, nitong Huwebes.
Ang Nipah virus ay kilala sa mataas na fatality rate at mabilis na pagkalat kapag nakapasok sa komunidad. Dahil dito, binigyang-diin ng administrasyon ang maagang pagtukoy (early detection) sa pamamagitan ng mas mahigpit na border checks, health monitoring, at koordinasyon sa mga ahensyang pangkalusugan.
Giit ni Usec. Castro, ang utos ng Pangulo ay patunay na proactive ang pamahalaan pagdating sa public health threats. Hindi raw hihintayin ng gobyerno na magkaroon ng krisis bago kumilos. Layunin ng mga hakbang na ito na mapanatili ang kahandaan ng sistema kahit wala pang kumpirmadong local cases.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento