Sa isang emosyonal na panayam, hindi napigilan ni Shuvee Etrata ang maging emosyonal habang ibinabahagi ang kanyang kwento, isang kwento ng lakas, sakripisyo, at walang hanggang pagmamahal sa pamilya.
Lumaki si Shuvee sa kahirapan, umaasa lamang noon sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Ngunit sa kabila ng hirap, hindi siya sumuko. Sa halip, ginamit niya ang bawat pagkakataon upang makabangon at makapagbigay ng mas magandang buhay sa kanyang pamilya.
“Pero ngayon, nangyayari na sakin. Nasa peak kami ngayon na I’m able to provide kahit na 20k lang yung kinikita ko sa isang buwan. Oo, mahal sa Manila. Plus-minus 15, plus ang daming minus. So parang 3-5k lang ang naiiwan, pero napapadala ko pa sa kanila,” kwento ni Shuvee habang pinipigil ang luha.
Para kay Shuvee, sapat na ang makapagpadala ng kahit kaunting halaga sa pamilya sa probinsya. Ang sarili niyang mga pangangailangan ay kaya niyang tiisin basta’t alam niyang may makakain ang mga mahal niya sa buhay.
“Basta mapadala ko ‘tong 3-5k sa kanila. Sayang kung ibibili ko lang ng pagkain dito. Ipadala ko na lang doon kasi wala silang makain. Ako, matitiis ko naman ‘yung sikmura ko. Kaya ko naman ‘to. Sisipagan ko na lang.”
Ang mga salitang ito ay tumagos sa puso ng marami, dahil ipinakita ni Shuvee na sa likod ng kanyang ngiti ay isang babae na araw-araw na lumalaban, nagsasakripisyo, at nagmamahal ng walang hinihinging kapalit.
Maraming netizens ang humanga sa kanya, tinawag siyang inspirasyon ng kababaihan at kabataan na patuloy na nagsusumikap para sa pamilya kahit sa kabila ng kakapusan. Ang kanyang kwento ay nagpapaalala na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang dignidad at tagumpay sa buhay.
Ang kwento ni Shuvee Etrata ay hindi lamang kwento ng kahirapan kundi kwento ng pag-asa at determinasyon. Ipinapakita niya na kahit maliit ang kinikita, malaki ang puso ng taong may malasakit sa pamilya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento