Nagpatuloy ang Office of the Ombudsman sa kanilang hakbang laban kay dating Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy “Zaldy” Co, matapos nitong magbitiw at tumakas sa gitna ng mga alegasyon ng ₱100-bilyong budget insertion scandal.
Ayon kay Assistant Ombudsman Dominic Clavano III, maghahain na sila ng kahilingan sa International Criminal Police Organization (Interpol) upang maglabas ng red notice sakaling maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kay Co.
Ang red notice ay isang international request na nagbibigay babala sa mga bansa na arestuhin ang isang taong pinaghahanap ng korte.
“Kapag nailabas na ng Sandiganbayan ang warrant of arrest, agad naming ipapa-cancel ang kanyang passport at hihingi kami ng tulong sa Interpol para mahanap siya kahit saan man siya nagtago,” - Ombudsman Remulla
ang mga kasong isinampa laban kay Co at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways(DPWH). Kabilang sa mga reklamong ito ang graft, malversation of public funds, at conspiracy to commit plunder kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control projects.
Dagdag pa ni Ombudsman, naghain na rin ng urgent motion ang Ombudsman para sa issuance ng arrest warrants at hold departure orders (HDOs) laban sa lahat ng respondent sa kaso.
Tiniyak ng Ombudsman na hindi ito titigil hangga’t hindi napapanagot si Co at ang mga kasabwat nito sa DPWH. Habang patuloy na lumalawak ang imbestigasyon sa ₱100-bilyong budget insertion scandal, naninindigan ang Office of the Ombudsman na hindi sila uurong sa laban para sa hustisya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento