Advertisement

Responsive Advertisement

"GINAWANG SCAPEGOAT ANG MGA NASA BABA, HABANG YUNG MGA NASA ITAAS NAKAKATAKAS" RETIRED GENERAL VIRGILIO GARCIA KINUWESTIYON ANG IMBESTIGATION NG MALACAÑANG

Huwebes, Nobyembre 20, 2025

 



Isang matapang na panawagan ang ginawa ni Retired General Virgilio Garcia, Legal Counsel ng United People’s Initiative (UPI), sa Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng imbestigasyon sa flood control scandal na yumanig sa bansa.


Sa kanyang pahayag, hinimok niya ang Pangulo na bilisan ang paghahain ng mga kaso laban sa mga sangkot sa katiwalian, lalo na ang mga malalaking pangalan sa pulitika na umano’y hindi pa nababanggit sa imbestigasyon.


“Ginagawa lang scapegoat ang mga nasa baba, habang ‘yung mga nasa itaas nakakatakas. Ang taong bayan ay naghihintay ng tunay na hustisya.” -Ret. Gen. Virgilio Garcia, UPI Legal Counsel


Ngunit ayon kay Garcia, tila mga maliliit na opisyal lamang ang napaparusahan, habang ang mga malalaking personalidad sa gobyerno ay patuloy na nakakalaya.


Ayon kay United People’s Initiative, handa ang mga mamamayan na magsagawa ng legal at mapayapang hakbang upang masigurong hindi matatakasan ng mga tiwaling opisyal ang kanilang pananagutan.


Sa gitna ng mga kontrobersiya at usaping pulitikal, lumalakas ang panawagan ng taumbayan para sa bilis at katarungan. Ang pahayag ni Ret. BGen. Virgilio Garcia ay sumasalamin sa frustration ng publiko na tila paulit-ulit na lamang ang mga kaso ng korapsyon na nauuwi sa wala.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento