Advertisement

Responsive Advertisement

"ITO LANG YUNG KAYA, WHETHER YOUR LIKE IT OR NOT " MULA 1 MILYON NA PABAHAY NAGING 300,000 NALANG, HOUSING PROJECT NI PANGULONG MARCOS BINATIKOS DAHIL SA KULANG SA BUDGET

Huwebes, Nobyembre 20, 2025

 



Binabatikos ngayon ang flagship housing program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang “Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Housing Program”, matapos aminin ng kalihim ng 4PH na malabong makamit ang target na 1 milyong pabahay kada taon sa loob ng anim na taon.


Ayon kay 4PH Secretary Jose Ramon Aliling, batay sa kasalukuyang budget allocation at kapasidad ng programa, tanging 300,000 units lamang kada taon ang kayang ipatayo  malayo sa orihinal na pangako ng administrasyon.


Nandito na tayo sa makatutuhanan. This is the realistic number. Honestly, kulang-kulang ang budget ng programa ng 4PH housing hindi talaga natin maa-achieve ang 1 million pabahay kada taon. So ito talaga yung kaya nasa 300,000 na pabahay sa loob ng anim na taon, where you like it or not.” - Sec. Jose Ramon Aliling


Sa pagdinig sa Kongreso, inamin ni Sec. Aliling na malaki ang kakulangan ng pondo para sa implementasyon ng proyekto. Ayon sa kanya, hindi sapat ang kasalukuyang national housing budget upang makagawa ng 1 milyong pabahay taun-taon.


Base sa datos ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), nasa 6.5 milyong housing backlog pa rin ang bansa. Kung 300,000 lamang kada taon ang mapapatayo, aabutin ng mahigit dalawang dekada bago tuluyang maibsan ang kakulangan sa pabahay, isang bagay na ikinababahala ng mga eksperto.


Ang 4PH Housing Program ay nananatiling mahalagang inisyatibo ng administrasyon, ngunit ipinapakita ng kasalukuyang kalagayan na malayo pa ito sa inaasahang tagumpay. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento