Diretsahan at walang pasubaling binanatan ni Congressman Edgar “Egay” Erice si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos ang sunod-sunod na mga alegasyon ng korapsyon at “budget manipulation” sa pagitan ng 2023 hanggang 2025.
Ayon kay Erice, ang ugat ng problema ay hindi lamang ang mga opisyal ng gobyerno kundi ang mismong kakulangan ng “command responsibility” ng Pangulo.
Sinabi niya na sa loob ng dalawang taon, “binaboy ng binaboy” ng Kongreso ang pambansang budget, ngunit nanatiling tahimik si Marcos at ang kanyang mga gabinete.
“Ang number one problema ni Pangulong Marcos ay ang command responsibility. From 2023 hanggang 2025, binaboy ng binaboy ng Kongreso ang budget, pero wala siyang ginawa. Hindi siya kumibo. Ang mga gabinete niya parang okay lang sa kanya.” -Cong. Edgar “Egay” Erice
Giit ni Erice, tila nagmistulang “pabayaan system” ang istilo ng pamumuno ng administrasyong Marcos, kung saan kahit mali, walang nag-aaksyong itama. Aniya, ang Pangulo ang may pinakamataas na responsibilidad na bantayan ang integridad ng budget ngunit tila mas pinili raw nitong manahimik at hayaan ang mga “taong malapit sa kanya” ang gumawa ng desisyon.
Dagdag pa ni Erice, posible umanong may “tahimik na sabwatan” sa pagitan nina Pangulong Marcos at House Speaker Martin Romualdez, na kilalang magpinsan.
Ayon sa datos ng ilang mambabatas, lumobo nang husto ang mga budget insertion at unprogrammed appropriations sa loob ng tatlong taon ng administrasyong Marcos.
Sa halip na mapunta sa mga proyekto para sa mamamayan, marami umano sa mga pondo ay napunta sa mga “ghost projects” at mga contractor na konektado sa ilang politiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento