Advertisement

Responsive Advertisement

"WALANG SINUMAN ANG EXEMPTED SA BATAS" CONG. KIKO BARZAGA OPISIYAL NG TINANGGAL BILANG MILITARY RESERVIST SA AFP

Miyerkules, Oktubre 22, 2025

 



Kinumpirma ng Philippine Army na tinanggal sa talaan ng mga military reservist si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga, epektibo noong Setyembre 21. Ayon sa opisyal na pahayag, ang desisyon ay bunga ng “grave offenses” o mabigat na paglabag sa mga alituntunin at regulasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Batay sa ulat, si Barzaga ay nakitaan ng paglabag matapos niyang maglabas ng mga social media posts na umano’y may elemento ng sedisyon at naglalaman ng larawan niya na nakasuot ng uniporme ng militar. Ayon sa AFP, ang mga naturang kilos ay malinaw na labag sa code of conduct na ipinapatupad sa lahat ng miyembro at reservist ng sandatahang lakas.


“Such statements endanger the Armed Forces' position as a non-partisan organization,” pahayag ng Philippine Army, na nagsasabing dapat manatiling hindi nakikialam sa politika ang mga sundalo, aktibo man o reservist.


Dagdag pa ng Army, hindi nila kinukunsinti ang anumang paglabag sa patakaran, anumang posisyon o katayuan pa ng isang tao. “We do not condone violations of military regulations, regardless of status or position, as part of our duty to preserve the professionalism and credibility of the organization,” saad sa opisyal na pahayag.


Ang pagkakadelist kay Rep. Kiko Barzaga bilang military reservist ay nagsisilbing paalala ng kahalagahan ng disiplina at pagiging non-partisan sa loob ng Armed Forces of the Philippines. Sa kabila ng kanyang posisyon bilang mambabatas, ipinakita ng Philippine Army na pantay ang batas sa lahat, opisyal man ng gobyerno o karaniwang mamamayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento