Naglabas ang Madame Tussauds Hong Kong ng teaser video sa Instagram na nagsasabing “Someone special is joining Madame Tussauds Hong Kong’s red carpet,” kalakip ang dalawang clue:
(1)nagsimula ang acting journey sa edad na 7; at (2) nagbida sa kauna-unahang Filipino film na lumampas sa ₱1 bilyon sa global box office. Dahil dito, karamihan ay tumutukoy kay Kathryn Bernardo bilang posibleng susunod na Filipino wax figure
Ang unang clue ay tugma sa career timeline ni Kathryn: nagsimula siyang umarte bilang child actress noong 2003 (edad 7), kabilang ang paglabas bilang young Cielo sa It Might Be You.
Ang ikalawang clue naman ay malinaw na tumutukoy sa Hello, Love, Again (2024) na pinangunahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards—ito ang unang Filipino movie na lumampas sa ₱1 bilyon sa buong mundo, ayon sa opisyal na ulat ng ABS-CBN corporate newsroom at mga international write-ups.
Kung makukumpirma, sasalang si Kathryn sa hanay ng mga Pilipinong may MTHK wax figure sa Hong Kong, gaya nina Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Manny Pacquiao, at kamakailan, Anne Curtis na inilunsad noong 2024 sa “Hong Kong Glamour Zone.”
Ang tanong ngayon ng mga netizens, deserve ba ni Kathryn Bernardo na mahanay sa mga Pilipino gaya nina Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Manny Pacquiao, at Anne Curtis.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento