Nagpahayag ng matinding pagkadismaya si Kapamilya actress at It’s Showtime host Kim Chiu laban sa mga tiwa-tiwaling opisyal ng gobyerno at nanawagan ng malinaw na pananagutan para sa kapakanan ng mga nagbabayad ng buwis.
Sa isang bukas na liham na ibinahagi niya sa Instagram, iginiit ni Kim na ramdam ng “ordinaryong Pilipino” ang bigat ng disiplina sa pagbabayad ng buwis, kaba kapag nahuli, takot sa penalty, at pag-asikaso para maging tama ang hulog habang may mga opisyal namang “walang takot” na inuubos ang pondo ng bayan.
“Tayo, mga ordinaryong Pilipino, walang palya sa pagbabayad ng buwis… Sila naman walang takot na pinagbabakasyon ang konsensya at nagagawang gawing kalakaran ang kaban ng bayan. Hindi lang pera ang ninanakaw ninyo ninakaw ninyo ang PAG-ASA… ang kinabukasan ng kabataan, ang ginhawa ng mahihirap, at ang pananampalataya ng taong-bayan na may hustisya.”
“Sapat na. Dapat managot ang mga tiwa-tiwaling opisyal at sumagot sa taumbayang nagbabayad ng buwis.” -Kim Chiu
Binanggit ni Kim na doble ang nawawala kapag may korapsyon: hindi lang pera ng taumbayan kundi pati pag-asa. Aniya, sa bawat pondong naaabuso, kasamang nawawala ang kinabukasan ng kabataan, ginhawa ng mahihirap, at tiwala ng publiko na may gumaganang hustisya.
Mula rito, iginiit niya na “sapat na” at nararapat lamang na managot ang sinumang may sala sa maling paggamit ng kaban ng bayan.
Tuwirang itinuro ni Kim Chiu ang sentro ng usapin: ang buwis ay hindi dapat maging biktima ng katiwalian. Kapag nasayang ang pondo, sumasama ang tiwala at pag-asa ng publiko. Pananagutan ang kinakailangan upang maipakitang may halaga ang bawat pisong pinaghirapan ng mamamayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento