Muling umani ng atensyon online si Bianca Gonzalez, matapos maglabas ng matapang na pahayag sa social media kaugnay sa pagbabayad ng buwis at kawalan ng hustisya laban sa mga tiwaling opisyal.
Sa kanyang post, binanggit ng TV host:
“KAILANGAN NA NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS SOON PERO WALA PA RING NAKUKULONG NA KUMURAKOT NG DATING BINAYARANG BUWIS?”
Marami ang nag-ugnay ng kanyang pahayag bilang patama sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., lalo na’t lumalakas muli ang panawagan ng publiko para sa transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng gobyerno.
Bagama’t hindi direkta pinangalanan ni Bianca ang sinumang opisyal, malinaw ang mensaheng nais niyang iparating: maraming Pilipino ang pagod na magbayad ng buwis habang nananatiling malaya ang mga tiwaling opisyal na napatunayang sangkot sa katiwalian.
Sa mga nakaraang taon, naging vocal si Bianca Gonzalez sa mga isyung panlipunan mula sa women empowerment hanggang sa good governance. Ang kanyang panawagan ngayon ay patunay na nananatili siyang aktibong tinig ng mamamayan sa usaping pampulitika at moralidad sa lipunan.
Ang pahayag ni Bianca Gonzalez ay hindi lamang simpleng rant sa social media ito ay boses ng milyun-milyong Pilipino na nagsasakripisyo sa pagbabayad ng buwis ngunit patuloy na nakakakita ng kawalan ng hustisya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento