Advertisement

Responsive Advertisement

"PINAPASOK AKO SA KUWARTO, DINALA AKO SA KUWARTO, TAPOS DUN MINOLESTIYA NA AKO" JONA VIRAY, MATAPANG NA IBINAHAGI ANG MAPAIT NA NAKARAAN SA KANYANG AMA

Lunes, Oktubre 27, 2025


 


Matapang na ibinahagi ng Kapamilya singer na si Jona Viray ang isang bahagi ng kanyang buhay na matagal niyang itinago,  ang pang-aabusong dinanas niya mula sa sariling ama noong siya ay sampung taong gulang pa lamang.


Sa isang emosyonal na panayam sa “Toni Talks” ni Toni Gonzaga, isinalaysay ni Jona ang mapait na karanasang iyon na labis na nakaapekto sa kanyang pagkabata at sa paghubog ng kanyang pagkatao.


“Pinapasok ako sa kuwarto, dinala ako sa kuwarto, tapos doon na nagsimula ‘yung… ayun, ‘yung mga horrific na nangyari,” ani Jona habang pinipigil ang luha.


Ayon kay Jona, masaya naman daw ang kanilang pamilya noong una. Nakatira sila sa isang apartment sa Marikina, sa itaas ng isang simbahan. Doon nagsimula ang kanyang pagmamahal sa musika, habang kasama ang kanyang mga magulang sa choir ng simbahan. Ngunit nagbago ang lahat nang unti-unting masira ang kanilang pamilya at mawalan ng direksyon ang kanyang ama.


“Noong bata ako, at 10 years old, naging biktima ako ng molestya mula sa ama ko,” pag-amin pa ng singer.


Bagama’t mabigat ang paksang kanyang binuksan, inamin ni Jona na matagal na niyang pinatawad ang kanyang ama bago pa ito pumanaw noong 2017. Aniya, ang pagpapatawad ay hindi paglimot, kundi paraan ng pagpapalaya sa sarili mula sa bigat ng nakaraan.


“Matagal ko na siyang pinatawad. Hindi madaling magpatawad, lalo na kung galing sa taong dapat ay nagpoprotekta sa’yo. Pero na-realize ko, kung hindi ko siya mapapatawad, ako ang patuloy na masasaktan,” ani Jona.


Ang pag-amin ni Jona Viray ay hindi lamang simpleng kuwento ng sakit, kundi kuwento ng katapangan at paggaling. Sa kanyang muling pagharap sa madilim na bahagi ng kanyang nakaraan, pinatunayan niyang ang tunay na lakas ay makikita hindi sa pagtatago ng sugat, kundi sa pagtanggap at paghilom nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento