Advertisement

Responsive Advertisement

“NILILINIS NI PANGULONG MARCOS ANG KALAT NA INIWAN NG NAKARAANG ADMINISTRASYON” PALASYO BUMUWELTA SA MGA PATUTSADA NI VP SARA DUTERTE

Miyerkules, Oktubre 29, 2025

 



Matapos ang sunod-sunod na patutsada ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hindi nanahimik ang Malacañang at diretsahang ipinagtanggol ang liderato ng Pangulo.


Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), abala ngayon si Marcos sa pagtutuwid ng mga problemang iniwan ng nakaraang administrasyon, kabilang na ang mga isyung may kinalaman sa katiwalian, kakulangan sa pamamahala, at kapabayaan sa ilang sektor ng gobyerno.


Sa pahayag ni PCO Undersecretary Claire Castro, hindi raw dapat ipinta ang Pangulo bilang “hindi nagtatrabaho,” dahil ang mga repormang isinasagawa nito ay konkretong ebidensya ng aktibong pamumuno.


“Nililinis ngayon ang mga kinalat nila noon. Huwag ilihis ang mga naging kasalanan nila sa bayan,” pahayag ni Castro.


Dagdag pa ni Castro, ang mga paratang na ibinabato kay Marcos ay paraan lamang upang ilihis ang isyu sa mga pagkukulang ng nakaraang administrasyon, kung saan kabilang sa mga nabinbin na proyekto at anomalya ay ang mga kontratang may kinalaman sa imprastraktura at pondo para sa edukasyon at kalusugan.


“Ang ginagawa ng Pangulo ay hindi pagpapakitang-tao. Ito ay mga kongkretong hakbang upang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan,” diin ni Castro.


Marami ring netizens at tagasubaybay ng politika ang nagpahayag ng kani-kanilang saloobin. May ilan na sumasang-ayon sa Palasyo, sinasabing oras na upang mag-focus sa solusyon kaysa sa sisihan, habang ang iba naman ay nananawagan ng mas malinaw na transparency sa mga proyekto at plano ng kasalukuyang pamahalaan.


Ang naging tugon ng Palasyo ay malinaw na pagtindig sa gitna ng lumalalang bangayan sa pagitan ng dalawang mataas na opisyal ng bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento