Advertisement

Responsive Advertisement

"ITO PO AY NAGDULOT NG KAHIHIYAN SA AMIN" MAYOR NG SORSOGON, UMALMA SA KOMENTO NI VICE GANDA NA “BULOK NA PAARALAN”

Miyerkules, Oktubre 29, 2025

 



Naglabas ng opisyal na pahayag ang local government ng Bulusan, Sorsogon kaugnay ng naging pahayag ng komedyante at host na Vice Ganda sa programang It’s Showtime, matapos niyang banggitin ang tungkol sa umano’y “bulok na paaralan” sa lugar.


Ayon sa LGU Bulusan, bagama’t nagpapasalamat sila sa mabuting layunin at malasakit ni Vice Ganda na tumulong sa mga estudyante, hindi nila ikinatuwa ang paraan ng pagkakabanggit nito sa publiko. Sa pahayag ng LGU, binigyang-diin nila na ang komentong “bulok na paaralan at walang reading materials” ay nagdulot ng kahihiyan sa Bagacay Elementary School at sa buong komunidad.


“Nagpapasalamat ang LGU Bulusan sa ipinakitang malasakit ni Vice Ganda, ngunit ang paraan ng pagsambit ng kanyang donasyon at may komentong ‘bulok na paaralan at walang reading materials’ ay nagdulot ng kahihiyan sa Bagacay Elementary School,” ayon sa opisyal na pahayag.


Kasabay nito, nilinaw rin ng lokal na pamahalaan na walang kinalaman si Ms. Heart Evangelista-Escudero sa isyung ito. Si Heart ay asawa ni Senator Chiz Escudero, na dating gobernador ng Sorsogon.


“Nais ko pong bigyang-diin na wala pong kinalaman si Ms. Heart Evangelista-Escudero sa isyung ito,” dagdag ng LGU Bulusan.


Ang pahayag ay kasunod ng kontrobersiyang nagsimula nang banggitin ni Vice Ganda sa kanyang segment sa It’s Showtime na nakapunta umano siya sa probinsya ni Heart Evangelista at tumulong sa isang paaralan na walang sapat na kagamitan at materyales.


Habang marami ang pumuri sa kabutihang ipinakita ni Vice, ang iba naman ay naramdaman na tila nakasakit ang kanyang mga salita, dahil ito’y maaaring magmukhang negatibo sa reputasyon ng mga paaralan at guro sa Bulusan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento