Muling nagpahayag ng pagkadismaya si Regine Velasquez sa kalagayan ng bansa, partikular na sa isyu ng korapsyon at kawalang hustisya sa paggamit ng pondo ng gobyerno. Sa kanyang recent Instagram post, nagbahagi siya ng personal na pagninilay tungkol sa kung bakit tila hindi umaasenso ang Pilipinas kahit sagana ito sa likas na yaman at talento ng mga mamamayan.
“Nung bata ako, ang akala ko mahirap ang Pilipinas. Hindi rin nakatulong na pinanganak akong mahirap. Pero ngayon napagtanto ko na hindi tayo mahirap, pinahihirapan tayo!” ani Regine.
Dagdag pa niya, hindi kakulangan ng yaman o kakayahan ang dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino, kundi ang katiwalian ng mga nasa kapangyarihan.
“Hindi mahirap ang Pilipinas. Sa aking palagay, hinayaan nilang isipin nating mahirap ang bansa natin para hindi tayo magreklamo at para umasa na lang tayo sa mga barya-barya nilang binibigay,” saad ng Asia’s Songbird.
Ayon kay Regine, napakalaki ng utang ng gobyerno sa taong bayan, at tila ang mga Pilipino pa ang patuloy na nagsasakripisyo habang ang mga tiwaling opisyal ay patuloy na nakikinabang.
“I’m ranting again I know, pero ang laki ng utang ng gobyerno sa mga Pilipino. Hindi tayo mahirap, pinahihirapan tayo!” dagdag pa niya.
Ang mensahe ni Regine Velasquez ay isang malalim na paalala sa bawat Pilipino na ang tunay na problema ng bansa ay hindi ang kakulangan ng yaman, kundi ang kawalan ng malasakit at katapatan ng mga namumuno.
Sa kanyang mga salita, muling nagising ang damdamin ng marami na matagal nang nasanay sa sistema ng pang-aabuso at panlilinlang. Sa panahon ng katahimikan, si Regine ay nananatiling boses ng katotohanan, matapang, totoo, at hindi natatakot manindigan para sa bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento