Matapang na hinamon ni Vice President Sara Duterte ang Ombudsman Boying Remulla matapos nitong ipahayag ang planong suriin ang kanyang SALN
Ayon kay Duterte, kung talagang seryoso ang Ombudsman sa pagsugpo ng korapsyon, dapat ay imbestigahan din nito ang laptop scandal ng Department of Education (DepEd) isang isyung sumabog noong panahon ng kanyang panunungkulan bilang kalihim ng ahensya.
“Sunwest ang contractor ng laptop doon sa DepEd,” saad ng Bise Presidente sa press briefing.
Ang tinutukoy ni VP Sara ay ang Sunwest Construction and Development Corp., kompanyang itinatag ni dating Congressman Zaldy Co, na umano’y sangkot sa maanomalyang pagbili ng DepEd laptops.
Noong 2022, umani ng batikos ang naturang proyekto matapos madiskubre na ang mga laptop na dapat nagkakahalaga lamang ng ₱25,000 ay nabili ng ₱75,000 bawat isa. Dahil dito, umusbong ang isyu ng overpricing at katiwalian.
Ayon kay Duterte, nagsagawa sila ng sariling imbestigasyon noon sa DepEd at gumamit ng confidential funds upang makakalap ng ebidensya.
“Nalaman namin sa aming imbestigasyon na may mga kakaibang galaw sa procurement process. Kaya nga, kung may imbestigasyon, bakit hindi lahat? Bakit pinipili lang?”
Ang pahayag ni Vice President Sara Duterte ay nagpabuhay muli sa isyu ng laptop scandal na matagal nang umuusok sa DepEd. Sa kanyang hamon, malinaw na nais niyang ipakita na ang laban sa korapsyon ay dapat patas, transparent, at walang kinikilingan kahit sino pa ang masagasaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento