Pinaalalahan ni Vice Ganda ang Marcos Adminsitration na managot: ang sweldo ng mga opisyal ay galing sa buwis ng taumbayan, kaya “kami ang employer n’yo.” Binigyang-diin niya na hindi sapat ang “resilience”, ang kailangan ay malinaw na imbestigasyon, pagbabalik ng perang ninakaw, at pagpapakulong sa mga magnanakaw sa pamahalaan
“Ang sweldo ninyo galing sa buwis namin. Kami ang boss, kami ang employer. Panagutin ang kurap at ibalik ang perang ninakaw.” - Vice Ganda
Binigyang-diin ni Vice Ganda na mula sa buwis ng mamamayan nanggagaling ang sweldo ng mga nasa pamahalaan, kaya tungkulin ng Marcos Administration na maghatid ng tapat at malinaw na serbisyo publiko.
Sa parehong statement, tahasan hinamin ni Vice si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kumilos laban sa korapsyon at ipanagot ang sinumang lumustay ng pondo publiko.
Ipinunto ni Vice Ganda na ang bawat pisong buwis ay para sa eskwela, ospital, kalsada, at serbisyong dapat maramdaman ng mga mamamayan. Hiling ni Vice Ganda sa Marcos Administration: malinaw na audit, agarang kaso laban sa napatunayang magnanakaw, pagbawi ng perang nawaldas, at regular na paglalabas ng datos para masuri ng publiko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento