Advertisement

Responsive Advertisement

JULIA MONTES MAY MENSAHE SA MARCOS ADMINSITRATION: "SANA KASABAY DIN TUMAAS ANG SWELDO NG MGA PILIPINO"

Linggo, Oktubre 12, 2025

 



Nag-viral online ang naging pahayag ng aktres na si Julia Montes matapos niyang diretsong ilabas ang kanyang saloobin tungkol sa pagtaas ng mga bilihin at gastusin sa bansa. Sa kanyang panayam, tahasang sinabi ni Julia na hindi na makatarungan ang sitwasyon ng mga Pilipinong nagtatrabaho, dahil habang patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin, ang sweldo ng mga empleyado ay nananatiling pareho.


“Ang napapansin ko kasi, tumataas ang gastusin, ang bilihin, lahat, pero ang suweldo, hindi tumataas,” ani Julia.


"Hindi ako nagsasalita para lang magreklamo. Nagsasalita ako dahil nararamdaman ko rin ang hirap ng mga tao. Lahat tumataas pagkain, kuryente, gasolina pero yung suweldo, halos di gumagalaw. Sana marinig ng mga nasa taas, kasi hindi ito tungkol sa pulitika, ito ay tungkol sa kabuhayan ng bawat Pilipino" dagdag niya.


Dagdag pa niya, hindi na nababalanse ang kita at gastos ng mga mamamayan. Sa kasalukuyang ekonomiya, kahit ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, kuryente, at pamasahe ay patuloy na tumataas, dahilan upang marami ang nahihirapan itaguyod ang pamilya sa araw-araw.


“So sana, kung may tumataas man sa Pilipinas, tumataas din sana yung salary. Kasi hindi nababalanse eh,” paliwanag ng aktres.


“Ang layo nung bigas sa sweldo na hindi tumataas pero taas ito ng taas, so parang unfair din sa mamamayan.”


Maraming netizens ang pumuri sa tapang ni Julia sa pagbibigay-tinig sa hinaing ng karaniwang Pilipino. Sa kabila ng pagiging artista, ipinakita niyang aware siya sa realidad ng buhay ng mga ordinaryong manggagawa, na sa kabila ng pagsisikap ay patuloy pa ring nababaon sa taas ng gastusin.


Ang pahayag ni Julia Montes ay nagsilbing boses ng maraming Pilipino na araw-araw hinaharap ang hamon ng pagtaas ng presyo ng bilihin ngunit nananatiling kapos ang kita. Sa panahon ng matinding krisis at inflation, ang kanyang mensahe ay paalala sa mga nasa posisyon na ang tunay na progreso ay nasusukat sa kalidad ng buhay ng mamamayan, hindi sa mga numero sa ekonomiya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento