Hindi na napigilan ng komedyanteng si Bayani Agbayani ang kanyang emosyon matapos masaksihan ang patuloy na korapsyon at kawalang-panagutan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa isang emosyonal na post sa social media, ipinaabot ni Bayani ang kanyang labis na pagkadismaya at galit sa mga opisyal ng gobyerno na aniya’y “walang konsensya” dahil patuloy pa ring ginagamit sa pansariling interes ang buwis ng mga Pilipino.
Ang pahayag ni Bayani ay reaksyon sa viral post ng aktor na si Dennis Trillo, na nagbahagi ng kanyang karanasan matapos magbayad ng buwis.
Ayon kay Dennis: “Done na po magbayad ng tax nung isang araw. Pwede niyo nang nakawin ulit.”
Kasunod nito, nagkomento si Bayani ng buong tapang:
“Hindi na kayo nahiya. Pinakamayamang artista na ang nagsalita sa inyo. Ang kakapal ng mukha niyo! Salamat brother Dennis Trillion.”
Marami ang pumuri kay Bayani sa kanyang tapang na magsalita ng totoo, kahit bilang isang public figure. Marami ring netizens ang sumang-ayon sa kanya, sinasabing sila man ay sawang-sawa na sa paulit-ulit na pang-aabuso at katiwalian sa gobyerno. Dagdag pa ni Bayani, hindi dapat manahimik ang mga mamamayan sa ganitong klaseng sitwasyon, dahil kung walang magsasalita, patuloy lamang na malulustay ang pera ng taumbayan.
Ang panawagan ni Bayani Agbayani ay hindi lamang bunga ng galit, kundi isang sigaw ng pagkadismaya mula sa isang mamamayang sawang manahimik.
Kasabay ng mensahe ni Dennis Trillo, ipinakita nilang kahit mga personalidad sa showbiz ay may malasakit sa bayan mga taong handang gamitin ang kanilang impluwensya para ipaalala sa gobyerno ang pananagutan nito sa bawat sentimong ibinabayad ng mga Pilipino.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento