Advertisement

Responsive Advertisement

"HINDI KO LANG PINANGARAP, PINAGSIKAPAN KO RIN SINCE DAY 1" ANAK NG ISANG PHOTOGRAPHER, NAG TOP 1 SA CIVIL ENGINEERING BOARD EXAM

Biyernes, Oktubre 17, 2025

 



Hindi man ito ang una niyang pinangarap, ngunit naging daan pa rin ito sa tagumpay. Si Carlos Miguel F. Mariano, 23 taong gulang mula sa General Mariano Alvarez, Cavite, ang Top 1 sa April 2025 Civil Engineers Licensure Examination, na may 93% rating.


Aminado si Carlos na hindi Civil Engineering ang unang kurso na gusto niya.


“Back in senior high school, aeronautical engineering talaga ang gusto ko,” paliwanag niya.


“Based on my research, it had better salary expectations and wasn’t saturated. Pero siguro, iba talaga ang plano ni Lord.”


Bagama’t hindi ito ang unang landas na pinili niya, pinili niyang maging pinakamahusay sa larangang napunta sa kanya. At dahil sa kanyang dedikasyon, disiplina, at positibong pananaw, nakuha niya ang pinakamataas na puwesto sa buong bansa.


Bilang isang Magna Cum Laude graduate ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, si Carlos ay patunay na minsan, hindi kailangang unang choice mo ang magbibigay sa’yo ng tagumpay ang mahalaga ay puso, tiyaga, at pananalig sa sarili.


“I was manifesting it since the very start of my review,”


ani Carlos, nang tanungin kung paano niya narating ang rurok ng kanyang tagumpay.


Ayon kay Carlos, marami siyang pinagdaanang rejections bago niya natagpuan ang kanyang landas. Pero sa halip na sumuko, tinuring niya itong redirection mga gabay patungo sa tamang daan.


Lumaki siya sa simpleng pamilya. Ang kanyang ama ay isang school photographer, at ang kanyang ina naman ay full-time housewife. Isa siya sa anim na magkakapatid, at alam niyang kailangan niyang magsumikap hindi lamang para sa sarili, kundi para rin sa pamilya.


Ang tagumpay ni Carlos Miguel Mariano ay nagpapatunay na hindi mo kailangang unang piliin ang isang bagay para magtagumpay rito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento