Nag-ingay sa social media ang aktor at host na Anjo Yllana matapos maglabas ng isang video na may matinding patama kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa mapanuyang linya, sinabi ni Anjo na “pinaka malinis na presidente sa Pilipinas” si Marcos dahil parati siya nanghuhugas ng kamay.”
"Mister president meron kapang panahon bagahuhin yang style mo, puro ka salita magpakulong ka. Puro ka walang nalalaman, lagi kang naghuhugas ng kamay" -Anjo Yllana
Hindi nagtapos ang mensahe, nanawagan si Anjo na magpakita ng malinaw na liderato ang Pangulo.
Para kay Anjo, hindi sapat ang press releases o photo-ops; kailangan ang kongkretong aksyon: malinis na imbestigasyon, malinaw na communication sa publiko, at aktwal na pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian. Mabilis itong nag-trending dahil tumama sa sentimyento ng maraming netizens na naghahanap ng decisive leadership sa gitna ng mga kontrobersiya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento