Advertisement

Responsive Advertisement

"BAKIT NIYO PINAGTATANGGOL SI ZALDY CO" TIANGCO KINUWESTYON ANG DFA BAKIT HINDI PA KANSELAHIN ANG PASSPORT NI ZALDY CO

Sabado, Oktubre 18, 2025

 



Matapang na kinuwestyon ni Navotas City Representative Toby Tiangco ang Department of Foreign Affairs (DFA) dahil umano sa kawalan ng aksyon sa pagkansela ng passport ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co, na hanggang ngayon ay nananatili umano sa ibang bansa sa kabila ng mga alegasyon ng korapsyon laban sa kanya.


Ayon kay Tiangco, may sapat na kapangyarihan ang DFA para kanselahin ang passport ng sinumang may kinahaharap na kaso o may mga indikasyong tumatakas sa hustisya. Ngunit, tila hindi ito ginagamit ng ahensya, bagay na kanyang binatikos.


“They have the power to cancel passports. What I can’t understand is why the DFA and other government officials appear to be defending Zaldy Co,” ani Tiangco sa isang pahayag.


“Kung talagang may batas at may hustisya sa bansa, dapat walang exempted. Kapag may kasalanan, dapat managot. Kung kaya nilang kanselahin ang passport ng ordinaryong tao, bakit hindi nila magawa sa mga makapangyarihan?” ani pa ni Tiangco.


Ngunit paliwanag ng DFA, kailangan na ngayon ng court order bago ito maisagawa, lalo na kung ang may hawak ng passport ay fugitive from justice, convicted criminal, o nakuha ang passport sa pandaraya.


Ayon sa mga ulat, lumipad na si Co patungong Spain matapos ang kanyang pagbibitiw, dahilan para pagtakhan ng marami kung bakit hindi pa rin siya napapanagot.


Nanindigan si Tiangco na dapat ipakita ng gobyerno na seryoso ito sa paglaban sa korapsyon, at ang pagiging tahimik ng DFA ay nag-iiwan ng tanong sa publiko kung may kinikilingan ba sila.


Ang panawagan ni Rep. Toby Tiangco ay hindi lamang laban sa isang opisyal, kundi isang hamon sa gobyerno na maging patas at matapang sa pagpapatupad ng batas. Sa gitna ng mga alegasyon ng korapsyon, ang pananahimik ng mga institusyon tulad ng DFA ay nagdudulot ng pangamba na baka muling lumaganap ang “double standard” sa hustisya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento