Nagpakita ng malasakit si Ferdinand Marcos Jr. (PBBM) matapos personal na bumisita sa “Walang Gutom” Kitchen sa Pasay City nitong Huwebes ng umaga. Sa kanyang pagbisita, mismong si PBBM ang nagsilbi ng pagkain sa mga benepisyaryo, bagay na ikinatuwa ng mga dumalo at mga tauhang namamahala sa programa.
“Walang dapat magutom sa bansa natin. Bawat Pilipino ay may karapatang kumain nang sapat at mamuhay nang may dignidad. Ito ang nais nating matupad.” -PBBM
Maraming mga netizens ang naantig sa simpleng gesture ni PBBM, at sinabing ang kanyang pagbisita ay nagpapakita ng pagkilala sa mga maliliit na sektor ng lipunan. Pinuri rin ng mga volunteers at social workers ang programa dahil marami na itong natulungang pamilya at indibidwal mula sa lansangan.
Ang “Walang Gutom” Kitchen ay hindi lamang basta pamimigay ng pagkain kundi isang hakbang tungo sa pagbabalik ng dignidad at pag-asa sa mga kababayan nating higit na nangangailangan. Sa personal na pagsuporta ni Ferdinand Marcos Jr., ipinapakita niyang ang laban kontra gutom ay dapat magsimula sa malasakit at pagkilos mula sa pamahalaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento