Isang nakakatuwang eksena ang nag-viral online matapos makuhanan ng video ang dalawang aso na tinaguriang “residents” ng Limketkai Mall sa Cagayan de Oro, habang nagbabahagi ng matamis na sandali kasama ang security guard na si Reymart Yacapin Guino-ay.
"Walo na akong taon bilang guwardiya, at para sa akin, hindi lang tao ang dapat binabantayan. Kasama rin dito ang mga hayop na may karapatang mabuhay at mahalin. Sila rin ay pamilya kung ituturing mo nang tama." - Reymart Yacapin Guino-ay.
Makikita sa video ang pagiging malapit ng mga aso kay Guino-ay, na tila ba hindi lamang sila basta palaboy kundi bahagi na rin ng mall community. Ayon sa mga netizens, ang eksenang ito ay patunay na ang pagmamahal at malasakit ay hindi lang para sa tao, kundi pati na rin sa mga hayop.
Ang dalawang aso ay kabilang sa mga apat na apat-na-paa na madalas makita sa paligid ng mall, lalo na sa may Pet Stations, kung saan sila nakakatanggap ng pagkain at kalinga mula sa staff at ilang mall-goers. Maraming social media users ang naantig at nagpahayag ng kanilang suporta kay Guino-ay dahil sa kanyang kabutihang-loob sa mga aso.
Ang simpleng pagkilos na ito ay nagsilbing paalala ng malasakit at pakikipagkapwa, na kahit sa maliliit na paraan, maipapakita ang tunay na kabutihan ng puso.
Ang viral moment nina Reymart Guino-ay at ng mga aso sa Limketkai Mall ay simpleng larawan ng kabutihan at malasakit na kailangan ng ating lipunan. Ipinapakita nito na ang tunay na bayani ay hindi lamang protektor ng tao, kundi maging ng mga hayop na walang ibang masasandalan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento