Advertisement

Responsive Advertisement

KORINA SANCHEZ, NAGBITAW NG MATINDING PAHAYAG AT PATAMA KAY MAYOR VICO SOTTO: "HINDI PUWEDENG PURO SALITA LANG DAPAT MAY EBIDENSYA AT MAY INTEGRIDAD"

Linggo, Setyembre 7, 2025

 



Usap-usapan ngayon online ang mga naging pahayag ng broadcast journalist na si Korina Sanchez sa kanyang programa na “Agenda”, matapos niyang bigyang-diin ang kahalagahan ng integridad at ebidensya sa trabaho ng media.


"Bilang mamamahayag, tungkulin nating panindigan ang ating mga sinasabi. Hindi puwedeng puro salita lang dapat may ebidensya at may integridad. Sa media, ang kredibilidad ang pinakamahalagang puhunan." -Korina Sanchez


Noong Setyembre, pinuri ni Korina ang kanyang co-anchor na si Willard Cheng sa pagkakatanggap ng Asia’s Modern Hero for Integrity Award. Dito ay sinabi niya:

“Ang pinakaimportante, I think, to back up what you’re saying as credible is you have evidence before you talk. Right? Kailangan may resibo ka bago ka magsalita.”


Kinabukasan, nagbigay rin siya ng depensa kay Heart Evangelista laban sa mga online na akusasyong nag-uugnay sa aktres sa mga kontrobersyal na contractors. Ayon kay Korina:

“In fairness to her, this guy has to prove that there is basis to even investigate Heart, di ba? Bakit kailangan niyang patunayan yun, e, may SALN naman yung asawa niya?” tumutukoy sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ni Senate President Chiz Escudero.


Dagdag pa niya, “That is integrity for me, if you can accept that you made a mistake. Because kapag sinabi mo, kailangan mapanindigan mo at higit sa lahat, mapatunayan mo.”


Bagama’t walang direktang pinangalanan si Korina, marami sa mga netizens ang nakapansin na tila tumutukoy siya kay Pasig City Mayor Vico Sotto, na kamakailan ay umalma laban sa ilang media personalities na umano’y tumatanggap ng bayad para makapanayam ang mga kontrobersyal na kontratista.


Ang mga pahayag ni Korina Sanchez ay nagbukas ng panibagong diskusyon sa publiko tungkol sa responsibilidad ng media sa panahon ng misinformation at kontrobersya. Para sa ilan, malinaw ang mensahe: ang integridad at ebidensya ang dapat maging batayan ng lahat ng impormasyon, lalo na kung ito’y may kinalaman sa publiko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento