Advertisement

Responsive Advertisement

VIRAL PHOTO NG BATA AT KANYANG ASO, PAALALA NA HINDI NASUSUKA ANG PAGMAMAHAL

Lunes, Setyembre 1, 2025

 



Sa Pasay City, umantig sa damdamin ng publiko ang larawan ng isang homeless na bata na natutulog sa tabi ng kanyang aso sa isang footbridge sa kahabaan ng Taft Avenue. Ang bata ay nakilalang si Renzy Vedad, 11 taong gulang, at ang kanyang tapat na alagang aso na si Princess.


“Iba talaga magmahal ang mga alaga natin. Minsan dinaig pa ang mga kadugo o kamag-anak. Sila sasamahan ka sa hirap at ginhawa, sa ulanan at initan.”


Nakita sila ni Jen Castro, isang ordinaryong mamamayan, na agad kumuha ng larawan dahil labis siyang naantig sa eksenang nasaksihan. Ayon kay Castro, halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman: saya at lungkot. “Masaya ako kasi ramdam ng kahit sinong makakita sa kanila ‘yung pagmamahal nila sa isa’t isa. Pero malungkot din po kasi naroon sila sa lansangan at walang matitirhan. Kailangan pa nilang mamalimos para sa pangangailangan nila,” aniya.


Si Vedad at ang kanyang ina ay nawalan ng tirahan matapos silang mapalayas sa inuupahan dahil hindi na nila kayang bayaran ang renta. Sa kabila ng kanilang mahirap na sitwasyon, hindi nila iniwan si Princess, bagkus ay ibinabahagi pa rin nila ang kaunting mayroon sila upang maalagaan ang aso.


Kapalit nito, walang kapantay na pagmamahal at katapatan ang ibinibigay ni Princess. Lagi umano itong sumusunod kay Renzy saan man siya magpunta at minsan ay nakakapaghanap pa ng pagkain para sa kanila.


Ang kwento ni Renzy at Princess ay patunay na ang tunay na yaman ay hindi nakikita sa materyal na bagay, kundi sa pagmamahalan at katapatan. Sa kabila ng kahirapan at kawalan ng tirahan, pinili nilang manatiling magkasama, nagmamahalan, at nagtutulungan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento