Naglabas ng matapang na pahayag si Senador Jinggoy Estrada matapos madawit ang kanyang pangalan sa isyu ng kickbacks kaugnay sa flood control projects sa Bulacan. Ayon sa senador, plano niyang sampahan ng kaso si Brice Ericson Hernandez, dating assistant district engineer ng DPWH Bulacan First District, na umano’y nagbintang na tumanggap siya ng bahagi sa pondo ng mga proyekto.
"Malakas loob ko dahil I did not commit any illegal act. Hinding-hindi ko siya kilala, at hindi ko kailanman tinanggap ang kahit anong pera mula sa kanya. Laban ito ng katotohanan, kaya handa akong magsampa ng kaso para ipaglaban ang aking pangalan." -Senador Jinggoy Estrada
Sa isang press conference, diretsahan niyang sinabi:
“Yes, sasampahan ko ng kaso ’yan. I will talk to my lawyers.”
Pinagdudahan ni Estrada ang motibo ni Hernandez, na dati nang nakulong matapos ma-cite in contempt ng Senado.
“I really do not know what his evil intentions are. Siguro, he wants to get even with me because I was the one who cited him in contempt. At pinakulong siya sa Senado.”
Ayon kay Hernandez, si Estrada raw ay naglaan ng P350 milyon para sa flood control projects noong 2025. Mariin itong itinanggi ng senador at iginiit na ang pondong tinutukoy ay bahagi lamang ng General Appropriations Act (GAA) at hindi personal na kontrolado.
“’Yung sa P335 million, lahat ’yan nasa GAA. Everybody can choose any item from the GAA at ibintang kahit kanino siya na doon. Isang malaking kasinungalingan ’yung mga pinagsasabi niya.”
Aminado si Estrada na hindi niya napigilan ang kanyang emosyon nang marinig ang paratang.
“Nagalit talaga ako. Talagang napamura ako. Napakasinungaling nitong taong ’to. Because first of all, hinding-hindi ko siya kilala and I have never met that guy.”
Dagdag pa niya, malinaw na wala siyang dapat ikatakot:
“Just common sense. Will you think I will be actively participating in this investigation na nandun siya, na kilala ko siya, na nagbibigay siya ng pera sa akin? That’s common sense. Malakas ang loob ko dahil I did not commit any illegal act.”
Sa gitna ng patuloy na imbestigasyon kaugnay ng flood control project anomalies, nanindigan si Sen. Jinggoy Estrada na wala siyang kinalaman sa anumang iregularidad. Sa halip na manahimik, pinili niyang labanan ang akusasyon sa pamamagitan ng legal na aksyon. Para kay Estrada, malinaw na ang mga paratang ay isang malaking kasinungalingan, at naniniwala siyang sa huli, ang katotohanan ang mananaig.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento