Advertisement

Responsive Advertisement

GELA ATAYDE TODO PROTEKTA SA KANYANG KUYA ARJO SA GITNA NG ISYU SA DPWH PROJECTS: "HE ENTERED POLITICS TO SERVE NOT TO STEAL!"

Martes, Setyembre 9, 2025

 



Dumipensa si Kapamilya actress Gela Atayde sa kanyang nakatatandang kapatid na si Quezon City First District Representative Arjo Atayde matapos madawit ang pangalan nito sa diumano’y maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


"Kuya’s busy serving, not stealing. He didn’t enter politics for luxury; he entered to serve. Ang kita niya ay galing sa acting at business, hindi sa corruption." -Gela Atayde 


Kasabay ng mga ulat at imbestigasyon, sunod-sunod ang komento ng netizens hinggil sa lifestyle ni Arjo at maging sa mga foreign trips ng pamilya. May ilan pang nag-akusa na ang perang ginagastos ni Gela ay galing umano sa “budget ni Congressman.”


Agad itong sinagot ni Gela sa social media:


“My paycheck, babe. Kuya’s busy serving, not stealing.”


Hindi rin niya pinalampas ang patutsada ng isang netizen na nagsabing puro travel na lang umano ang ginagawa ng kapatid at wala nang oras para sa pagiging mambabatas.


“Kuya’s income streams are called acting & business, not corruption. Diba maraming nangangailangan ng tulong? We help because we can. Pag tumulong, may hanash. Pag hindi, kasalanan din. Ano ba talaga?”


Dagdag pa ni Gela, ang pagpasok ng kanyang kapatid sa politika ay hindi para sa luho kundi para sa tunay na paglilingkod.


“He didn’t enter politics for luxury; he entered to serve. A foundation can only do so much, but a congressman can push bills, fix broken systems, and make sure taxes actually go to the right places.”


Sa kabila ng kontrobersya, nanindigan si Gela Atayde na walang kinalaman ang kanyang kapatid na si Arjo sa mga alegasyon ng anomalya. Para kay Gela, malinaw na layunin ng kapatid niya ang tunay na paglilingkod at hindi ang paggamit ng posisyon para sa pansariling interes. Ang kanyang matapang na tugon laban sa mga bashers ay nagpapakita ng suporta ng pamilya at paniniwala na sa bandang huli, ang katotohanan ang mananaig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento