Sa gitna ng kasikatan at tagumpay, nagpapaalala si Sarah Geronimo na hindi nasusukat ang tunay na kaligayahan sa materyal na bagay, kasikatan, o kahit sa lovelife. Sa kanyang makabuluhang pahayag, binigyang-diin ng Popstar Royalty na ang tanging makapagbibigay ng kabuuan at tunay na kasiyahan ay ang malalim na relasyon sa Panginoong Diyos.
"Natuto akong hindi ikabit ang kasiyahan ko sa tagumpay o sa lovelife. Ang totoo, ang tunay na joy ay nanggagaling sa Panginoon. Siya lang ang makakapuno ng lahat ng kulang sa atin." -Sarah Geronimo
“Hindi yung success ang makapagbigay sayo ng true happiness. Hindi lovelife, hindi success sa trabaho, hindi lahat yun eh… Hindi pera ang makapagbuo sayo. Kundi relasyon mo talaga sa Panginoong Diyos,” ani ni Sarah.
Sa kabila ng kanyang mga tagumpay bilang isa sa pinakamatagumpay na mang-aawit at aktres sa bansa, ibinahagi niya na hindi pa rin ito sapat para matawag na kumpleto ang buhay. Marami ang nagugulat sa kanyang pagiging grounded at spiritual, na nagsisilbing inspirasyon sa mga tagahanga na madalas ring inuuna ang materyal na bagay kaysa sa pananampalataya.
Ipinapakita ng kanyang mensahe na kahit gaano kataas ang marating ng isang tao, ang tunay na fulfillment ay nagmumula sa pananampalataya at relasyon sa Diyos—hindi sa yaman o tagumpay sa trabaho.
Ang pahayag ni Sarah Geronimo ay nagsisilbing wake-up call para sa marami sa atin na patuloy naghahabol ng kasikatan, pera, at relasyon para makamit ang kasiyahan. Sa kanyang simple ngunit makapangyarihang mensahe, pinaalala niya na ang lahat ng ito ay pansamantala lamang ngunit ang relasyon sa Diyos ay nagbibigay ng walang hanggang kapayapaan at kaligayahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento